Romansa sa kalawakan

2022-04-24 12:35:10  CMG
Share with:


Kasiya-siyang natapos na ang 6 na buwang misyon ng tatlong astronauts na Tsino sa kalawakan.

 

Sa kanyang pananatili sa Space Station ng Tsina, gamit ang Chinese zither, tinugtog ni Wang Yaping, nag-iisang babaeng taikonaut, ang katutubong musika na “Jasmine.”

 

Ang musika ay hindi lamang di-maaalis na bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao, kundi makakatulong din para sa kalusugang pangkaisipan ng mga astronauts, sa panahon ng kanilang pananatili sa kalawakan.

 

Batay sa mahigit 60 taong praktika ng manned space activities ng sangkatauhan, ang zero gravity, ingay, yanig, limitasyon ng maliit na espasyo, social isolation, kakulangan sa pag-iisa at iba pang elemento ay maaaring makaapekto sa kondisyong saykolohikal at pisyolohikal ng mga astronaut habang nagpapatupad ng kani-kanilang misyon sa kalawakan.

 

Ang musika ay isang mabisang paraan para mapahupa ang mga problemang saykolohikal sa proseso ng long-term manned space mission. Ginagamit din ito para sanayin ang mga astronauts sa lupa sa aspekto ng paglulubay na saykolohikal.

 

Kaya ang instrumentong musikal ay isa sa mga karaniwang kagamitang dinadala ng mga astronauts sa kalawakan.

 

Sa Shenzhou-13 mission ng Tsina, bukod sa Chinese zither, may dalang Hulusi, katangi-tanging katutubong instrumento ang isa pang lalaking taikounaut na si Ye Guangfu.

 

Kasabay ng napakabilis na pag-unlad ng usapin ng manned space activities ng Tsina, magiging mas matagal ang pananatili ng mga taikounauts sa kalawakan. Pagkaraang matapos ang konstruksyon ng space station ng bansa, isasagawa ang regular na pagkakahimpil, at mahaharap ang mga astronauts sa mas malaking presyur sa kaisipan.

 

Sa pamamagitan ng mas kusang-loob na pagsali sa music therapy, mas mainam na mababawasan ang mga negatibong damdamin ng mga astronauts, at mapapasigla rin ang sigasig, inisyatiba at pagkamalikhain nila.


Video Editor: Vera


Pulido: Mac