Tagsibol at mga kyut na hayop: Pagpapakilala sa spotted seal

2022-04-26 17:56:47  CMG
Share with:


Sa hilagang-silangang Tsina, kararating lang ng tagsibol. 


Umuusbong ang mga puno at halaman, sumisibol din ang mga bulaklak.


Kapag lumabas sa bahay, sa kapaligiran ramdam ang pagsibol at pag-usbong. Hindi lamang mga halaman, pati ang iba’t-ibang hayop ay gumising pagkatapos ng taglamig at muling nakikita ng mga tao.


Sa video na ito, ipapakilala namin sa inyo ang isang uri ng hayop na bumalik sa Look sa Silangang Liaoning kamakailan. Sila ay spotted seal.


Ang spotted seal ay mga mamalyang may mga paang palikpik. Bilang isa sa mga pangunahing hayop na protektado ng Tsina, sila ay nag-iisang uri ng pinniped na maaring magparami nang natural sa dagat ng Tsina.


Tuwing Oktubre, ang mga spotted-seal ay nagma-migrate o lumilipat sa protektadong lugar para sa mga spotted seals na matatagpuan sa Dalian, probisyang Liaoning. 


Mula sa Enero hanggang sa Marso tuwing taon, mga 200 spotted-seals ang isinisilang sa ice zone sa Look sa Silangang Liaoning. Sa loob ng nakaraang 30 taon, 384 spotted seals ang nasagip dito.


Dahil sa pinalakas na proteksyon sa mga nanganganib na mga hayop at gumagandang kapaligirang ekolohikal, parami ng paraming spotted seals ang nagpupunta sa protected zone sa Dalian. 


Ngayong taon, mga 400 spotted seals ang nakitang matagumpay na nakabalik. 


Sa kasalukuyan, tinatayang 2000 spotted seals ang nasa Dagat Bohai at Dagat Huanghai sa paligid ng Dalian. 


Ang ika-6 ng Abril ngayong taon ay itinakda rin bilang unang Pambansang Araw ng Pangangalaga sa Spotted Seal sa Tsina.


Ulat/Video: Kulas 

Patnugot sa nilalaman: Mac/Jade

Patnugot sa website: Jade