Isang suicide attack na ikinamatay ng 3 gurong Tsino at ikinasugat ng isa pa ang inilunsad Abril 26, 2022 sa isang sasakyan ng Confucius Institute sa Unibersidad ng Karachi, Pakistan.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 27, 2022 ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mahigpit na pagkondena at pakikiramay sa mga kamak-anakan ng mga biktima.
Bilang responde, isina-aktibo na ng Ministring Panlabas ng Tsina at Embahadang Tsino sa Pakistan ang pangkagipitang mekanismo.
Samantala, pumunta Abril 26 si Punong Ministrong Shahbaz Sharif ng Pakistan sa Embahadang Tsino sa nasabing bansa upang ipa-abot ang pakikiramay sa mga biktima.
Ipinahayag niyang tiyak na isasagawa ng pamahalaang Pakistani ang malalim na imbestigasyon sa isyung ito, at paparusahan ang mga may-kagagawan.
Patuloy namang hinimok ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Pakistan upang pasulungin ang mga kinauukulang gawain, at buong tatag na panagutin sa batas ang mga teroristikong organisasyon.
Hindi nararapat walang kabuluhang dumanak ang dugo ng mga Tsino, at kailangang managot sa batas ang salarin sa insidenteng ito, pahayag pa ng Minsitring Panlabas ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio