Bayan sa Xinjiang, tinaguriang “Lunsod ng Bulak ng Tsina”

2022-04-28 14:58:21  CRI
Share with:

Ang bulak ay isa sa mga pinakamahalagang produktong agrikultural sa daigdig.

 

Ang produksyon ng bulak sa Tsina ay lampas sa 1/4 ng kabuuang bolyum ng poduksyon sa buong daigdig.

 

Mahabang kasaysayan ang pagtatanim ng bulak sa bayan ng Awat, rehiyong Aksu ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uygur ng Xinjiang, Tsina, at ang lugar na ito ay tinatawag na “Lunsod ng Bulak ng Tsina.”

 

Nasa 6,700 hanggang 7,500 kilo kada ektarya ang produksyon ng bulak sa lugar na ito.

 

Kasunod ng patuloy na pagtaas ng pangangailangan sa bulak, isinasagawa ng lokalidad ang modelo sa pagpitas ng mga bulak sa pamamagitan ng makina. 


Salin: Lito

Pulido: Rhio