Music video na "A Musical Toast to 2022" ng CGTN, wagi sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards

2022-04-28 16:15:48  CMG
Share with:

Nakamit ng music video na pinamagatang “A Musical Toast to 2022” ng China Media Group – China Global Television Network (CMG-CGTN) ang ginintuang gantimpala sa kategoryang Performing Arts Special ng 2022 New York Festivals TV and Film Awards, Martes, Abril 26, 2022.

 

Bukod dito, napagwagian din ng CMG – CGTN ang dalawang pilak at tatlong tanso sa iba pang kategorya.

 

Sa nasabing music video, nagtipun-tipon ang mga musikero mula sa 8 bansa sa daigdig, para ipaabot ang kani-kanilang bating pambagong taon sa mga manonood sa buong mundo, sa pamamagitan ng magkakasamang pagtatanghal ng bahagi ng Chinese sonata na Festival Overture.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio