Ayon sa pahayag na inilabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Huwebes, Mayo 5, 2022, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina sa serbisyo noong unang kuwarter ng taong ito ay umabot sa halos 1.46 trilyong Yuan RMB na lumaki ng 25.8% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2021.
Sa mga ito, ang bolyum ng pagluluwas ay umabot sa halos 714 bilyong yuan RMB na lumaki ng 30.8% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2021, at ang bolyum ng pag-aangkat ay umabot sa 743 bilyong yuan RMB na lumaki ng 21.3%.
Ayon pa sa pahayag, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina sa knowledge-intensive service ay lumaki ng 14.1% at ang bolyum ng kalakalang panlabas sa serbisyong panturismo ay lumaki ng 12.6%.
Salin: Ernest
Pulido: Mac