Xi Jinping, nanawagang patuloy na magpunyagi sa pagpapatupad ng dynamic zero-COVID policy

2022-05-06 12:42:39  CMG
Share with:

Ipinagdiinan nitong Huwebes, Mayo 5, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nasa masusing yugto ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Nanawagan siyang patuloy na magpunyagi para ipatupad ang dynamic zero-COVID policy.

 

Winika ito ni Xi sa isang pulong ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa pag-aanalisa sa kasalukuyang situwasyon ng pandemiya ng bansa.

 

Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, malaki ang natamong bunga ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakaran ng pagpapauna ng mga mamamayan at buhay, dynamic zero-COVID policy, at depensa kontra external input at internal rebound ng mga kaso.

 

Ipinagdiinan sa pulong na nasa mataas na lebel pa rin ang pandaigdigang pandemiya, walang tigil na nagmumutate ang virus, at walang katiyakan ang tunguhin ng kalagayan ng pandemiya, kaya dapat ipagpatuloy ang sigasig sa pagkontrol sa pandemiya.

 

Bilang bansang may malaking populasyon at malaking matandang populasyon, di-balanse ang rehiyonal na pag-unlad ng Tsina, at di-sapat ang kabuuang yamang medikal. Kaya ang pagpapaluwag ng mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ay tiyak na magbubunsod ng malawakang pagkahawa ng populasyon, at paglitaw ng maraming malubhang kaso o kaso ng pagkamatay.

 

Dapat gawin ang mas malaking pagsisikap sa pagpapatupad ng dynamic zero-COVID policy, para mapatibay ang natamong bunga sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, diin ng pulong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac