Sa pahayag na ipinalabas kamakailan ng website ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, tinira nito ang ilang opisyal at mediang Tsino sa pagpapalaganap ng mga “huwad na impormasyon” ng panig Ruso upang maging makatuwiran ang isinasagawang aksyong militar ng Rusya sa Ukraine.
Sa katotohanan, puno ng kasinungalian ang nasabing pahayag na nagiging larawan ng tunay na pekeng impormasyon.
Ang ibinibintang ng Amerika sa Tsina ayon sa nasabing pahayag, ay pawang tunay na pagbabalitang sinipi ng panig Tsino at rasyonal na analisis.
Halimbawa, inatake ang panig Tsino dahil sa pagpapalaki ng “pekeng impormasyon” ng panig Ruso tungkol sa pagtatalaga ng panig Amerikano ng mga biolabs sa Ukraine. Pero sa katunayan, naunang inamin ito ng panig Amerikano.
Noong Nobyembre ng nagdaang taon, sa dokumento nitong isinumite sa pulong ng mga signaryong bansa ng “Convention on the Prohibition of the Development, Production and Stockpiling of Bacteriological (Biological) and Toxic Weapons and their Destruction,” kinilala ng Amerika ang pagkakaroon ng 26 na instalasyong pangkooperasyon sa Ukraine na kinabibilangan ng mga biolabs.
Noong Marso ng kasalukuyang taon, sa dokumentong isinapubliko ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika, ipinakikita nito ang pagkakaroon ng Amerika ng 46 na instalasyong pangkooperasyon sa Ukraine. Pekeng impormasyon ba ang mga ito?
Kilala sa buong daigdig ang pagtutulungan ng mga opisyal at mediang Amerikano sa paglikha ng mga huwad na impormasyon dahil sa hangaring pulitikal.
Mula digmaan sa Iraq hanggang digmaan sa Syria, kapwa ay “masterpiece” ng pagsasabwatan ng mga opisyal at mediang Amerikano sa pagluluto ng mga pekeng impormasyon.
Matapos sumiklab ang krisis ng Ukraine, muli nilang ginamit ang nasabing paglilinlang.
Sa kabilang dako, ipinalathala kamakailan ng mediang Tsino ang artikulong may halos 15 libong salitang may pamagat na “mga kasinungalian ng panig Amerikano tungkol sa Tsina sa isyu ng Ukraine” kung saan ginagamit ang mga matibay na katotohanan at kompletong datos para komprehensibong analisahin ang mga kasinungalingang ikinakalat ng mga kaukulang panig ng Amerika tungkol sa Tsina.
Sino ba ang tunay na nagluluto ng mga huwad na impormasyon at dumudungis sa iba? Kayang mahanap ang sagot ng bawat taong walang pagkiling.
Salin: Lito
Pulido: Mac