Wang Yi: Estratehiyang Indo-Pasipiko ng Amerika, di angkop sa kapakanan ng mga bansa ng ASEAN

2022-05-07 16:28:41  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo via video nitong Mayo 6, 2022, kay Luhut Binsar Pandjaitan,  Coordinator for Cooperation with China and Coordinating Minister ng Indonesiya, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesiya, para palalimin ang bagong estruktura ng bilateral na relasyon, pasulungin ang pag-unlad ng dalawang bansa, mas mabuting harapin ang iba’t ibang hamong pandaigdig, at magbigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng buong mundo.

Ipinahayag ni Wang na ang estrukturang pangkooperasyon na ang sentro ay ASEAN ay susi ng pananatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyong Silangang Asya. Aniya, ang estratehiyang Indo-Pasipiko ng Amerika ay hindi angkop sa komon at pangmalayuang interes ng mga bansa sa rehiyong ito. 


Nakahanda ang Tsina na palakasin ang komunikasyon at kooperasyon sa Indonesiya para magkasamang pangalagaan ang lehitimong karapatan ng iba’t ibang bansa ng rehiyong ito sa pag-unlad at pagbangon, saad ni Wang. 


Samanatala, binigyan-diin ni Luhut, na ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Tsina at Indonesiya ay makakatulong sa dalawang panig na magtagumpay sa paglaban sa iba’t ibang kahirapan at hamon. Ipagkakaloob ng relasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa ang mahalagang patnubay para sa kooperasyon ng mga umuunlad na bansa. 


Dagdag niya, malugod na tinatanggap ng Indonesiya ang Global Development Initiative at ang Global Security Initiative na iminungkahi ng China, at nakahandang aktibong sumali sa nasabing mga inisyatiba. 

 

Salin:Sararh

Pulido:Mac