Eid al-Fitr, masayang ipinagdiwang ng mga Muslim sa Xinjiang

2022-05-04 12:27:59  CRI
Share with:

Ang Mayo 3, 2022 ay kapistahan ng Eid al-Fitr o Lesser Bairam.

 

Kaugnay nito, maligayang nagdiwang ang mga mamamayang Muslim sa rehiyong awtonomo ng lahing Uygur ng Xinjiang ng Tsina.

 

Sa paunang kondisyon ng pagtupad sa hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagpunta sa Yanghang Mosque sa Urumqi, Xinjiang ang maraming mamamayang Muslim upang sumamba.

 

Ang nasabing moske ay may mahigit 120 taong kasaysayan.

 

Samantala, sa plasang nasa harap ng Id Kah Mosque sa lunsod Kashgar, nagsuot naman ng national costume, at sumayaw ang mga mamamayang lokal ng iba’t-ibang nasyonalidad para ipagdiwang ang nasabing okasyon.  

 

Ang Eid al-Fitr ay tradisyunal na araw ng pagtitipun-tipon ng napakaraming pamilya sa Xinjiang.

 

Sa araw na ito, pinagsasaluhan ng buong pamilya ang mga masarap na pagkain bilang pagdiriwang.


Salin: Lito

Pulido: Rhio