Maligayang Araw ng mga Ina

2022-05-11 11:21:24  CRI
Share with:

Ang babaeng naglalagay ng pagkain sa mangkok ay aking nanay, halos apat na dekada ko na siyang kasama.

 

Dahil kailangang mag-alaga ng aking lolo na may-sakit sa probinsya, matagal na kaming hindi nagkikita.  At ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkasama kaming kumain ng hotpot matapos na bumalik ako mula sa Pilipinas. Mahilig sa hotpot si Mama. At tulad ng maraming kabilang sa old generation, medyo konserbatibo at hindi niya masyadong gusto ang mga sahog na sikat ngayon sa mga kabataan, tulad ng bituka ng pato at tuwalya.  Pero, kung bigay ko, susubukan niya. Sa kanyang puso, laging tama ang anak.

 

60 taong gulang na si Mama, at sinasamahan niya ako sa lahat ng importanteng yugto ng buhay at laging sinusuportahan ako, binibigyan ng lakas ng loob, at parating inaalagaan. Pasensya po, sa mula’t mula pa’y, lagi kong binabalewala ang lahat ng kaloob nyo sa akin.  Salamat po! Kayo ang pinakamabuting nanay sa buong mundo para sa akin.

 

Happy Mother’s Day, Mama!


Video Editior: Sissi


Pulido: Mac