Responsableng aksyon sa outer space ay hindi pag-domina rito — Tsina

2022-05-11 15:12:18  CMG
Share with:

Inilahad nitong Mayo 10, 2022, sa Geneva ni Li Song, Chinese Ambassador for Disarmament Affairs, ang palagay at paninindigan ng Tsina sa kalagayang panseguridad sa outer space, pagpigil sa arm race at iba pang kinauukulang isyu.

 

Nanawagan si Li sa komunidad ng daigdig na dapat magsikap para mapangalagaan ang komong seguridad sa kalawakan.

 

Binigyan-diin din niyang ang priyoridad ng responsableng aksyon sa kalawakan ay dapat magbigay ng pangako ang mga superpowers na huwag isagawa ang hegemonya at hindi pag-domina rito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac