CMG Komentaryo: Ang Amerika ay pinakamalaking banta para sa daigdig

2022-05-13 16:06:40  CMG
Share with:


 

Ang Amerika ay tanging super power sa daigdig. Pero hinding hindi pinagmamalasakitan ng bansang ito ang kapakanan at buhay ng mga mamamayan. Hindi rin isinasabalikat nito ang obligasyong pandaigdig at responsibilidad bilang isang malaking bansa.

 

Sa kabilang dako, laging gumastos ang Amerika ng maraming pera para sa mga sagupaan at digmaan sa ibaundefinedt ibang lugar ng buong daigdig.

 

Nitong Martes, Mayo 10, pinagtibay ng mababang kapulungan ng Amerika ang halos $25 bilyong tulong na militar para sa Ukraine. Pero hindi ipinamigay ng Amerika ang anumang pera nitong 4 na taong nakalipas para tulungan ang mga bansa sa Gitna at Timog Amerika.

 

Bukod dito, hindi nagbayad ang Amerika ng mahigit $1 bilyong membership dues sa United Nations.

 

Sa 2023 fiscal year, kinansela ng pamahalaan ng Amerika ang isang panukala ng pagtugon sa epidemiya ng COVID-19 na nagkakahalaga ng $15.6 bilyon. Samantala, idinagdag nito ang isang panukala ng pagbibigay tulong sa Ukraine na nagkakahalaga ng $13.6 bilyon.

Bukod sa Ukraine, ang Amerika ay lumikha ng krisis sa Afghanistan. Ang mga aksyong miltar ng Amerika nitong 10 taong nakalipas ay nakakapinsala nang malaki sa Afghanistan at pamumuhay ng mga Afghani. Pero hindi tinulungan ng Amerika ang rekonstruksyon ng Afghanistan. Sa kabilang dako, ang military industrial complex ng Amerika ay nakinabang nang malaki sa aksyong militar sa Afghanistan.

 

Kaya sa madaling salita, ang Amerika ay nakakakuha lamang ng malaking kapakanan mula sa mga sagupaan at panggugulo sa ibaundefinedt ibang lugar ng daigdig, sa halip ng pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng buong mundo.