1 milyon, bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19 sa Amerika

2022-05-13 16:05:32  CMG
Share with:


 

Ayon sa pahayag ng White House nitong Huwebes, Mayo 12, 2022, ang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19 sa Amerika ay umabot na sa 1 milyon.

 

Ipinahayag ni Pangulong Joseph Biden ng Amerika na sa darating na ilang buwan, kailangang ilaan ng Kongreso ng Amerika ang mga pondo para sa pananaliksik sa COVID-19 virus, bakuna at paglunas sa mga may sakit.

 

Hanggang sa kasalukuyan, ang Amerika ay bansang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 at mga pumanaw dahil sa virus sa buong daigdig.