Matagumpay na isinagawa ngayong umaga, Mayo 14, 2022, ang unang subok na paglipad ng C919, kauna-unahang eroplanong pampasahero ng Tsina, na ihahatid para sa komersyal na paggamit.
Ayon sa Commercial Aircraft Corporation of China (COMAC), nagdebelop ng C919, ang nabanggit na eroplanong may code name na B-001J ay lumipad mga alas-7 ng umaga mula sa Pudong International Airport sa Shanghai, at bumalik at lumapag sa paliparang ito mga alas-10.
Sinabi ng COMAC, na sa 182-minutong paglipad, isinagawa ng piloto at mga inhinyero ang lahat ng nakatakdang tungkulin, at nasa mabuting kondisyon ang eroplano.
Ang mga paghahanda para sa ibang mga pagsubok at pag-turn-over ay umusad ayon sa iskedyul, dagdag ng naturang kompanya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos