Pagbabago ng patakarang panlabas ng Finland, magdudulot ng negatibong epekto sa relasyon sa Rusya — Vladimir Putin

2022-05-15 12:33:18  CRI
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono nitong Sabado, Mayo 14 (local time), 2022 nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Sauli Niinisto ng Finland, pinag-usapan nila ang tungkol sa aplikasyon sa pagsapi ng  Finland sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).


Ipinagdiinan ni Putin na maling desisyon ang pagtatakwil ng Finland sa tradisyonal na neutralidad, dahil wala namang banta sa seguridad ng bansa.


Diin pa ni Putin, ang pagbabago ng patakarang panlabas ng Finland ay posibleng magdulot ng negatibong epekto sa relasyon sa Rusya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio