Vlog ni Sissi: Pamamamasyal sa Central TV Tower

2022-05-15 22:05:14  CRI
Share with:

Ang Central TV Tower ay itinayo noong 1994, at nasa  405 metro ang taas nito kung kasama ang lightning rod. Ito  ang ika-2 pinakamataas na gusali sa Beijing, ika-3 pinakamataas na tower sa Tsina at ika-6 na pinakamataas na tower sa buong mundo.

 

Sakay ng elevator na  umaakyat sa bilis na 5 metro kada  segundo, nakarating kami sa ika-22 palapag, nandito ang outdoor observation deck.

 

Umabot sa 16.41 libong metro kuwadrado ang buong Beijing, 25 ulit na mas malaki kumpara sa Metro Manila, pero, sa itaas ng tower, ang lahat ng skyscraper, pagoda, istadyum, shopping center ay mukhang Lego blocks.

 

Bukod sa pag-eenjoy ng tanawin ng Beijing, meron isa pang napaka-interesting na bagay sa ika-22 na palapag, isang malaking  sinaunang megaphone.

 

Tapos, bumaba kami sa ika-21 palapag, kung saan naroroon ang Central TV and Radio Culture Hall, dito  may Virtual Reality(VR) experience, pwedeng magrekord ng isang video bilang news anchor, subukan ang  glasses-free 3D technology, pagmasdan ang mga hand print ng ilang sikat na TV host sa Tsina at makilala ang mga kampeon sa taunang vertical marathon.

 

Pero, ang pinakamasaya para sa amin ay ang souvenir shop sa palapag na ito, kasi, meron ding Olympic licensed products. Tapos na ang Beijing Winter Olympics at Paralympics, pero, tuloy pa rin ang buying craze ng Bing Dwen Dwen at Shuey Rhon Rhon items.

 

Kita  ba ninyo ang isda na kumain mula sa milkbottle?  kita  ba ninyo ang sayaw ng jellyfish? Abangan yan  sa susunod na vlog ni Sissi.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac