Pakikiramay, ipinahayag ni Xi Jinping kaugnay ng pagpanaw ni Pangulong Khalifa ng UAE

2022-05-16 16:20:34  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng telepono, ipinahayag Mayo 14, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bagong Pangulo ng United Arab Emirates (UAE) na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ang kalungkutan kaugnay ng pagpanaw ni dating Pangulong Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan at taos-pusong pagkikiramay sa kanyang mga kamag-anak at mga mamamayan ng bansa.

 

Binigyan-diin ni Xi na nagsikap si Pangulong Khalifa para mapangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng UAE, at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina.

 

Ang kanyang pagpanaw ay malaking kawalan sa mga mamamayan ng UAE, at pagkawala ng isang mabuting kaibigan ng mga Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio