Estratehikong partnership, patuloy na pabubutihin ng Tsina at UAE

2022-05-16 16:19:17  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng telepono, ipinahayag Mayo 14, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati kay Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng United Arab Emirates (UAE).

 

Tinukoy ni Xi na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at UAE, malalim na umuunlad ang relasyon ng dalawang panig, palagiang nagtutulungan ang dalawang bansa sa mga isyung may kinalaman sa kanilang nukleong kapakanan, at  mabunga ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Lubos aniyang na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa UAE.

 

Nakahandang magsikap ang Tsina, kamasa ng UAE, para palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership upang makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa, diin ni Xi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio