Ipinahayag Mayo 15, 2022 ni Ali Bagheri Kani, Pangalawang Ministrong Panlabas sa mga Suliraning Panlabas ng Iran at Chief Nuclear Negotiator ng bansa, na seryoso ang Iran sa talastasan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), at hangga’t maaari ay magsisikap ang bansa upang kanselahin ng Amerika ang mga sangsyon sa “pinakamataas na digri.”
Ani Bagheri, hinahadlangan ng mga kaaway ang mga pagsisikap ng Iran, pero hindi aniya ito magtatagumpay.
Matatandaang narating ng Iran, Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya ang pagkakasundo noong Hulyo 2015.
Ayon dito, lilimitahan ng Iran ang planong nuklear nito, at kakanselahin ng komunidad ng daigdig ang mga sangsyon sa bansa.
Ngunit, noong Mayo 2018, unilateral na umatras ang Amerika mula sa JCPOA.
Bukod pa riyan, muli nitong sinimulan at dinagdagan ang mga sangsyon laban sa Iran.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio