Ipinahayag Mayo 17, 2022 ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na naitatag na sa bansa ang sistema ng mataas na edukasyong may pinakamalaking saklaw sa buong daigdig.
Anito, lampas sa 44.3 milyon ang kasalukuyang bilang ng lahat ng estudyante at tumaas sa 57.8% ang gross enrollment ratio ng mataas na edukasyon noong 2021.
Ang nasabing porsiyento ay 30% lamang noong 2012.
Dagdag pa ng ministri, umabot sa 240 milyon ang kabuuang bilang ng tumanggap ng mataas na edukasyon, at matatag na tumataas ang kalidad ng edukasyon ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Sarah
Pulido:Rhio