Walang naganap na anumang milagro, si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay nahalal bilang bagong Pangulo ng Pilipinas.
Para kay Bongbong, ang pagkahalal bilang bagong pangulo ay nangangahulugan ng pagsisimula ng pagsasabalikat niya ng responsibilidad ng paglutas sa mga hamon na kinaharap ng kanyang bansa.
Sapul nang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19, lumaki nang lumaki ang mga utang ng pamahalaan ng Pilipinas. Ayon sa datos ng Department of Finance ng Pilipinas, hanggang noong katapusan ng nagdaang Marso, ang utang ng pamahalaan ay umabot sa 12.68 trilyong Pesos na naging rekord sa kasaysayan. Ayon sa nasabing departamento, ang paglaki ng utang ay sanhi ng malaking pagdaragdag ng pamahalaan ng malaking loan para sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19.
Ayon sa datos na inilabas nitong Mayo ng Philippine Statistics Authority, ang kabuuang halaga ng produksyong panloob o GDP ng bansa noong unang kuwarter ng taong 2022 ay lumaki ng 8.3% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021. Samantala, nananatiling mahirap pa rin ang pamumuhay ng halos 23.7% ng populasyon ng buong bansa. Ang unemployment rate ay umabot sa 6.4% nitong nagdaang Pebrero na mas mataas kaysa sa katulad na panahon bago sumiklab ang epidemiya ng COVID-19.
Ibig-sabihin, ang paunang isyu na dapat lutasin ng bagong halal na pangulong Bongbong Marcos ay kung papaanong pasulungin ang pagbangon ng pambansang kabuhayan. Sa isang dako, dapat niyang ipagpatuloy ang tunguhin ng mataas na paglaki ng GDP ng bansa; sa kabilang dako naman, dapat niyang gamitin ang mga hakbangin para mabisang lutasin ang mga isyu na gaya ng pagbabawas ng kahirapan, pagkaloob ng hanap-buhay at pagbaba ng utang ng pamahalaan.
Kasunod ng pag-unlad ng integrasyong pangkabuhayan ng buong daigdig, ang pinakamagandang paraan sa pagsulong ng pagbangon ng pambansang kabuhayan ay ang kooperasyong may mutuwal na kapakanan sa pagitan ng mga bansa. Dahil dito, malakas ang nakatagong lakas ng Tsina at Pilipinas para magkasamang pasulungin ang pag-unlad ng kani-kanilang kabuhayan.
Sa panahon ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang programang Build, Build, Build ay gumanap ng malaking papel sa pagpapasulong ng pambansang kabuhayan. Sa larangang ito, natamo na ng kooperasyon ng Pilipinas at Tsina ang mga kapansing bunga. Ipinahayag kamakailan ni Ambassador Huang Xilian, sugo ng Tsina sa Pilipinas na nitong 6 na taong nakalipas, natamo ang masaganang bunga ng dalawang bansa sa ilalim ng balangkas ng Build, Build, Build at Belt and Road Initiative. Ayon sa kanya, natapos ng dalawang bansa ang 16 na proyekto ng kooperasyon sa pagitan ng kanilang pamahalaan na gaya ng tulay sa pagitan ng Binondo at Intramuros. Bukod dito, dinoble ang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa at halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Pilipinas at ikalawang pinakamalaking destinasyon ng iniluluwas ng Pilipinas.
Sapul nang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19, ang industriya ng e-commerce ay mabilis na umuunlad sa Pilipinas. Ito ay nakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino sa pamimili sa ilalim ng epekto ng epidemiya. Samantala, ang pag-unlad ng industriyang ito ay nagpapasulong din sa pag-unlad ng industriya ng transportasyon at small and medium enterprises o SMEs sa Pilipinas. Bukod sa Shopee at Lazada, sinimulan sa kasalukuyan ng TikTok ang serbisyo ng online shopping sa kanyang plataporma. Ito ay nagpapakita ng pananalig ng pandaigdig na pondo sa kinabukasan ng pamilihan ng e-commerce ng Pilipinas.
Sa larangang ito, umusbong ang mga sikat at malaking e-commerce company sa Tsina na gaya ng Alibaba Group, Jingdong at iba pa. Bukod dito, ang karanasan ng pag-unlad ng industriya ng e-commerce ay maaaring pag-aralan ng mga bahay-kalakal ng Pilipinas.
Walang duda, ang isyu ng South China Sea ay isang malaking hamon sa bilateral na relasyong Sino-Pilipino. Sa isyung ito, palagiang iginigiit ng panig Tsino ang paraan ng mapayapang paglutas sa pamamagitan ng direktang kontak sa pagitan ng mga kasangkot na bansa. Ang matatag at mapayapang kalagayan ng rehiyong ito ay nagpapakitang may kakayahan ang Tsina at Pilipinas sa maayos na paghawak at paglutas sa isyu ng SCS.
Kumpara kay Pangulong Duterte, masasabing mas malalim ang pagkaunwa at pagkaalam ni Bongbong Marcos sa Tsina. Noong 1974, sumama si Bongbong Marcos kay Imelda Marcos, dating first lady para dumalaw sa Tsina bago ang pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Ang tatay ni Bongbong, dating Pangulong Ferdinand Marcos, ay ang tagapagtatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Matagal na ang isyu ng SCS ng Tsina at Pilipinas. Naniniwalang may mas mayamang karanasan si Bongbong sa maayos na paghawak sa isyung ito para pasulungin ang matatag na pag-unlad ng Pilipinas at Tsina.
Nag-usap sa telepono Mayo 18, 2022 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Sinabi ni Xi na palaging pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon nito sa Pilipinas. Nakahanda aniya ang Tsina na ibayo pang pasulungin, kasama ng Pilipinas, ang mga aktuwal na kooperasyon sa mga larangan na gaya ng imprastruktura, agrikultura, enerhiya, edukasyon, pagpuksa sa pandemya ng COVID-19 at pagbangon ng pambansang kabuhayan. Sinabi pa ni Xi na patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang mga tulong at suporta sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Pilipinas.
Ipinahayag ni "Bongbong" Marcos Jr. na ilalagay ng bagong pamahalaan ng Pilipinas ang relasyong Pilipino-Sino sa mahalagang direksyon ng patakarang panlabas ng bansa. Nakahanda aniya siyang palalimin, kasama ng panig Tsino, ang mga kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, imprastruktura, enerhiya, kultura at edukasyon. Sinabi pa niyang lipos ang kanyang pananalig sa mas magandang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Ito ay nagpapakitang may mahalagang komong palagay at matibay na pundasyong pulitikal ang dalawang bansa sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon at aktuwal na kooperasyon sa mga larangan.
Naniniwalang sa ilalim ng pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, maaaring matamo ng Tsina at Pilipinas ang masaganang bunga sa pag-unlad ng bilateral na relasyon at mga kooperasyon sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19 at pagbangon ng kabuhayan, para makalikha ng mas magandang kinabukasan ng dalawang bansa.
Sulat: Ernest
Pulido: Mac/Jade