undefinedundefined
Ipinahayag kamakailan ng United Nations Security Council (UNSC) ang pinakamatinding pagkondena sa teroristikong pag-atake sa Confucius Institute sa Karachi, Pakistan nitong Abril 26, 2022 na ikinamatay ng tatlong gurong Tsino at kanilang tsuper na Pakistani.
Sa kabilang dako, isang ulat naman ang inilabas ng British Broadcasting Corporation (BBC) para pagandahin ang imahe ng mga teroristang nagsagawa ng nasabing pag-atake.
Bukod dito, tinatangka rin ng BBC na humanap ng makatuwirang paliwanag para sa naturang insidente.
Ang paninindigan ng BBC sa panig ng mga terorista ay lumalabag sa propesyonal na etikang pang-media, at ang nabanggit na ulat ay masasabing pagkatig sa terorismo.
Ito rin ay nakakapinsala sa istandard ng moralidad at katarungang pandaigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio