Digital technology, nagkakaloob ng bagong paraan para bisitahin ang mga museo sa kalagayan ng pandemiya

2022-05-19 16:51:13  CRI
Share with:


Dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nahaharap sa malaking hamon ang mga offline museum sa buong mundo.

 


Magkagayunman, hindi humihina ang hangarin ng mga tao na bumisita sa mga museo.

 


Kasabay ng pagdiriwang ng International Museum Day nitong Miyerkules, Mayo 18, 2022, pinili ng parami nang paraming Tsino na bisitahin ang mga online museum.

 


Salamat sa modernong digital technology, maaari na silang sumali sa mga virtual exhibition at online experience ng mga museo kahit di-lumalabas ng bahay.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio