Dayuhang pamumuhunan sa Tsina, lumaki

2022-05-20 15:17:25  CMG
Share with:


 

Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon, ang bolyum ng dayuhang pamumuhunan sa Tsina ay lumaki ng 20.5% kumpara sa gayung ding panahon ng taong 2021.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na nananatiling paborable ang pamilihang Tsino para sa dayuhang pondo.

 

Sinabi ni Shu na patuloy na magsisikap ang Tsina para ipagkaloob ang magandang kapaligiran at serbisyo para sa tumatakbong mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Mac