CMG Komentaryo: Ang integrasyon ng kabuhayan ay tanging paraan para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig

2022-05-20 15:15:30  CMG
Share with:

 

Sa kanyang talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) at Global Trade and Investment Promotion Summit, nitong Mayo 18, 2022, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa komunidad ng daigdig na igiit ang diyalogo sa halip ng komprontasyon, igiit ang pakikisalamuha sa halip ng paghihiwalay, at igiit ang pagbubukas at kalayaan ng kalakalan.

 

Dahil sa negatibong epekto ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at sagupaang panrehiyon, pinababa kamakailan ng International Monetary Fund (IMF) ang inaasahang target ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ang sagot ng Tsina ay integrasyong pangkabuhayan.

 

Nitong ilang taong nakalipas, pinaninindigan ng Amerika ang trade protectionism at pagtutol sa integrasyong pangkabuhayan sa buong daigdig. Pero hindi nito nilutas ang mga problema ng kabuhayan ng Amerika na gaya ng inflation at pagtaas ng presyo ng mga paninda.

 

Ang kalakalan at pamumuhunan ay mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigidg. Palagiang iginigiit ng Tsina ang integrasyong pangkabuhayan at pagbubukas sa labas.

 

Ang mga patakaran at hakbangin ng Tsina ay nagkaloob din ng malaking ambag para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sa katotohanan, ang integrasyong pangkabuhayan sa buong daigdig ay tunguhin ng pag-unlad ng kasaysayan. Dapat sundin ng mga bansa ang tunguhing ito para likhain ang mas magandang kinabukasan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac