Vlog ni Sissi: Pamamasyal sa Central TV Tower Aquarium

2022-05-22 23:26:38  CRI
Share with:

Sa huli naming episode, umakyat kami ni Ate Mac sa ikalawang pinakamataas na gusali ng Beijing: Ang Central TV Tower. At sa outdoor observation deck, ipinakita namin ang tanawin ng Beijing sa taas na 238 metro, isinigaw ang hangarin sa sinaunang megaphone at bumili kami ng Olympic souvenir items sa Radio at TV Cultural Hall. Sa episode na ito, itutuloy namin ang pamamasyal sa Central TV Tower.

 

Welcome sa Central TV Tower Aquarium! May tatlong aquarium sa buong Beijing, at ang aquarium sa first-floor ng Central TV Tower ay ikalawang pinakamalaki na may sukat na 8000 metro kwadrado. Mula sa malalaking pating hanggang maliliit na butterfly fish, makikita rito ang mahigit 300 uri ng yamang dagat, 20 libong isda na namumuhay sa 4000 metro kubikong tubig.

 

Merong apat na bagay na dapat subukan sa Central TV Tower Aquarium.

 

Unang una, ang mermaid and seal performance. Dapat abangan ang mermaid performance dahil totally free of charge, walang bayad, at talagang amazing kapag sumasayaw ang sirena kasama ng mga isda sa tubig, parang eksena sa fairy tale.

 

Tapos, para sa mga batang Scuba Diving lover na nakatira malayo sa dagat, puwedeng sumali sa diving course. Mga 2000 pesos ang singil sa bawat tank, walang bayad para sa wetsuit at ibang kagamitan.

 

Ika-3, magrelaks sa Undersea Tunnel. Sa loob ng 100 metrong haba na transparent undersea tunnel, parang nakabisita kayo sa bahay ng Little Mermaid o ni Sponge Bob, nakakakalma ng isipan at damdamin. Nawawala ang lahat ng lungkot at mga pag-aalala sa buhay. Kapag pinagmamasdan ang paglangóy ng mga isda sa harap o sa itaas, parang nagiging isda na rin kayo.

 

Ika-4, pagpapakain ng Koi fish. Matalino ng mga Koi fish sa Underwater World ng Central TV Tower. Tingnan ninyo, meron mixture ng tubig at food granule sa milk bottle na ito, susubukan naming ilagay ang milk bottle sa itaas ng grupo ng mga isda, kita nyo ang kanilang mga bunganga, matinding sumipsíp ng tsupon ang matatabang Koi fish na ito, napakalakas nila, parang gutom na baby! Kung hindi ‘nyo mahigpit na hahawakan, baka maagaw nila ang bote.

 

Video Editor: Sissi


Pulido: Mac