Kilos-protesta, idinaos ng mga Hapones sa pagbisita ng pangulong Amerikano

2022-05-23 14:53:57  CMG
Share with:


 

Tokyo undefined Isang demonstrasyon ang ginawa Mayo 22, 2022 ng ilang daang mamamayang Hapones bilang protesta sa pagbisita ni Pangulong Joseph Biden ng Amerika sa bansa.

 

Ipinanawagan ng mga demonstrador na iboykot ang pagtatagpo ng mga lider ng Hapon at Amerika at Leaderundefineds Summit ng Quadrilateral Security Dialogue (QUAD) na kinabibilangan ng Amerika, Hapon, India at Australia.

 

Kabilang sa mga dumalo sa demonstrasyon ay mga lokal na mambabatas, abogado at manunulat na Hapon.

 

Ayon sa kanila, pabibilisin ng nasabing pagtatagpo ang militarisasyon ng Hapon.

 

Anila, habang nasa Hapon si Biden, isasagawa nila ang iba pang ganitong demonstrasyon para ipahayag ang boses ng pagtutol ng mga Hapones.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio