COVID-19, kalusugan at kapayapaan, tampok sa WHA

2022-05-23 14:56:36  CMG
Share with:

 

 

Binuksan kahapon, Mayo 22, 2022 sa Geneva ng Switzerland ang ika-75 World Health Assembly (WHA).

 

Tampok dito ang mga isyung kinabibilangan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagpapasulong sa usapin ng kalusugang pampubliko at kalusugan sa kalagayan ng pagkalat ng armadong sagupaan sa daigdig, at paghahanda at pagharap ng World Health Organization (WHO) sa biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko.

 

Tinatalakay rin sa WHA ang mga makataong krisis na naganap sa Afghanistan, Somalia, South Sudan, Syria, Ukraine, Yemen at Ethiopia.

 

Samantala, nakatakdang mahalal ang bagong direktor-heneral ng WHO sa asembleyang ito.

 

Si Tedros Adhanom Ghebreyesus, kasalukuyang Direktor-Heneral ng WHO ay ang tanging kandidato.

 

Ang nasabing asembleya ay tatagal nang 7 araw.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio