Proporsyon ng GDP ng Tsina sa daigdig, lumampas sa 18%

2022-05-24 15:38:53  CMG
Share with:

Noong 2021, ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng Tsina ay umabot sa 114 trilyong yuan RMB na katumbas ng mahigit 18% ng GDP ng buong daigdig.

Noong 2012, ang proporsyong ito ay nasa 11.4% lamang.


Bukod dito, ang naging ambag ng kabuhayang Tsino ay katumbas ng 30% ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig nitong ilang taong nakalipas. Ang kabuhayang Tsino ay pinakamalaking puwersa sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.