Presyo ng pagkaing-butil sa daigdig, apektado ng sagupaan ng Rusya at Ukraine

2022-05-26 15:04:47  CMG
Share with:

Bilang dalawang malaking bansang nagluluwas ng pagkaing-butil at enerhiya, ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine ay nagdudulot ng malaking epekto sa pamilihan ng pagkaing-butil sa daigdig.

 

Hanggang Abril 10, ang presyo ng trigo, mais at soybeans sa Chicago Board of Trade ay magkahiwalay na tumaas ng 24.5%, 13.8% at 6% kumpara sa presyo bago maganap ang nabanggit na sagupaan.

 

Kaugnay nito, tinaya ng United Nations (UN) na magkakaroon pa ng 22% pagtaas ang presyo ng mga pagkain sa buong daigdig sa hinaharap.

Ang Tsina ay ang pinakamalaking tagapag-angkat na bansa ng mga produktong agrikultural sa daigdig.

 

Ang sagupaan ng Rusya at Ukraine ay nagpapataas ng presyo ng pagkaing-butil sa pamilihang Tsino sa pangmalapitan at pangmalayuang pananaw.