Shouguang, Lalawigang Shandong ng Tsina—lunsod ng mga gulay

2022-05-26 16:41:23  CMG
Share with:


Matatagpuan sa baybaying dagat ng Lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina, ang lunsod Shouguang ay may mahabang kasaysayan ng agrikultura at pagtatanim, kaya tinatawag ito bilang “lunsod ng mga gulay.”

 

Umaabot sa 53,000 ektarya ang kabuuang saklaw ng taniman nito ng gulay, at 4 na bilyong kilo naman ang taunang output.

 

Dahil sa modernong teknik ng greenhouse cultivation, naisu-suplay ng Shouguang ang sariwang gulay sa magkakaibang panahon.

 

Ang mga gulay na nagmumula sa lunsod ay naibebenta sa mahigit 200 malalaki at katamtamang lunsod sa Tsina, maging sa ibayong dagat.

 

Salin: Vera


Pulido: Rhio