Pamumuhay ng mga Tsino, gumiginhawa sa teknolohiya ng 5G

2022-05-27 15:49:30  CRI
Share with:


Ipinatalastas kamakailan ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina ang pagkakatayo ng halos 1.6 milyong 5G base station sa buong bansa.

 

Dahil dito, ang Tsina ang siyang naging kauna-unahang bansa sa daigdig na nagtatag ng 5G network batay sa modelo ng Standalone (SA).

 


Kaugnay nito, umabot sa 2,400 ang kabuuang bilang ng itinatayong mga proyekto ng “5G plus industrial internet” ng Tsina noong unang kuwarter ng 2022.

 

Ang malawakang aplikasyon ng teknolohiya ng 5G ay nakakapagpabilis ng pagpapanibago at pag-a-upgrade ng iba’t ibang industriya, at nakakapagpasulong ng "Made in China" tungo sa "Smart Manufacturing in China."

 


Sa kasalukuyan, nakikita sa maraming larangan ang aplikasyon ng teknolohiya ng 5G, at binabago nito ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Ayon sa pinakahuling datos, umabot sa 134,000 ang bilang ng mga bagong-tatag na 5G base station sa Tsina noong unang kuwarter ng 2022.

 


Bunga nito, sinasaklaw na ngayon ng 5G network ang lahat ng mga lunsod sa antas ng prepektura at county sa buong bansa.

 

Samantala, mahigit 48 milyon ang karagdagang bagong gumagamit ng 5G mobile communication, samantalang 403 milyon naman ang kabuuang bilang nito.

 


Sapul nang itatag ang mga 5G base station sa kanayunan ng Tsina, ginagamit ng mga magsasaka ang live streaming upang ibenta ang kanilang mga katangi-tanging produkto.

 


Dahil sa suporta ng teknolohiya ng 5G, mabilis na umuusbong ang mga industriyang gaya ng distance education.

 


Sa iba pang industriyang gaya ng lohistika, paglilinis at iba pa, napakalaki rin ng tulong ng “5G plus” sa pangangasiwa at serbisyong pampubliko ng lunsod.

 


Sa susunod na hakbang, matatag at maayos na pasusulungin ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina ang konstruksyon ng 5G at gigabit optical network, palalalimin ang magkasamang pagtatatag at pagbabahagi ng network, at tuloy-tuloy na palalalimin ang saklaw ng network.

 

Sa taong 2022, target ng nasabing ministri na tapusin ang konstruksyon ng 600,000 5G base station, at ihatid ang gigabit network sa mahigit 400 milyong pamilyang Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio