Planong pangkabuhayan matapos ang COVID-19, isinapubliko ng Shanghai

2022-05-30 15:25:15  CMG
Share with:


 

Isinapubliko kahapon, Mayo 29, 2022 ng lokal na pamahalaan ng Shanghai, Tsina ang plano ng muling pagpapasigla ng kabuhayan matapos ang mga hakbang sa pagkontrol ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng plano ay: pagpapagaan ng presyur sa negosyo, pagsuporta sa maayos na pagsasanormal ng operasyong pang-negosyo, pagpapatatag ng kalakalan at pamumuhunan, at pagpapasulong ng konsumo.

 

Ayon pa sa plano, magbibigay ng malaking tulong pinansiyal ang lunsod Shanghai na gaya ng pagbabawas ng buwis at gastusin sa mga industriyang malaking naapektuhan ng dynamic zero COVID lockdown.

 

Upang mapasulong ang konsumo, ini-enkorahe ng plano ang pagbibigay ng subsidiya at pagbabawas ng buwis sa mga paninda, lalo na sa pagbili ng kotse at bahay.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio