Arsenal ng Ukraine, winasak ng Rusya: pangulong Ukrainian, naglakbay-suri sa prontera sa Kharkiv

2022-05-30 15:27:52  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Mayo 29, 2022 ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Rusya, na winasak ng tropang pang-himpapawid nito ang isang malaking arsenal na pandigma ng Ukraine sa pamamagitan ng long range missile.

 

Sa kabila nito, naglakbay-suri nang araw ring iyon si Pangulong Volodymyr Zelensky ng Ukraine sa prontera ng tropang Ukrainian sa estado ng Kharkiv.


 

Samantala, ini-ulat naman sa website ng Kremlin ng Rusya, na nag-usap sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin at kanyang counterpart na si Aleksandar Vučić ng Serbia para talakayin ang kalagayan ng Ukraine, at pagpapalawak ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.

 

Ipinangako ng Rusya na patuloy na magsu-suplay ng natural gas sa Serbia.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio