Pangulong Tsino, bumati sa ika-40 anibersaryo ng CSCLF

2022-06-01 16:23:09  CMG
Share with:

Mayo 31, 2022, Beijing – Isang mensaheng pambati ay ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng paggunita sa Ika-40 Anibersaryo ng China Soong Ching Ling Foundation (CSCLF).


Tinukoy sa mensahe ni Xi, na nitong 40 taong nakalipas, sa malakas na pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), minana at pinaunlad ng CSCLF ang diwa ni Soong Ching Ling, at pinatingkarin ang mahalagang papel sa pagpapalalim ng pagkakaibigan sa daigdig; pagpapalawak ng pagpapalitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hongkong (HKSAR) at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR); at pagpapasulong ng pag-unlad ng usapin ng mga kabataan, at iba pang larangan. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio