CMG Komentaryo: kooperasyon ng Tsina at mga bansang isla ng Pasipiko, ikinatatakot ng kakaramput na bansa

2022-06-01 13:42:45  CRI
Share with:

Sa nakasulat na mensaheng ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ikalawang China-Pacific Island Countries Foreign Ministers' Meeting, lubos niyang pinapurihan ang mga natamong bunga ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang isla ng Pasipiko.

 

Ito aniya ay nagiging modelo ng South-South Cooperation at pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

 

Narating sa nasabing pulong ang maraming mahalagang komong palagay na sumasaksi sa bitalidad ng relasyon ng Tsina at nasabing mga bansa.

 

Ngunit dahil sa hegemonya at pagnanais sa kapangyarihan, itinuturing ng ilang bansang gaya ng Amerika at Australia ang mga bansang ito bilang kanilang “backyard” at “sphere of influence,” at hindi napapahintulutang magkaroon ng sariling pagpili sa magiging kaibigan.

 

Kaya, ikinababalisa ng Amerika at Australia ang isinusulong na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang isla ng Pasipiko.

 

Ang mga bansang ito ay ang mga soberanong bansa at hindi “backyard” ng sinuman.

 

Hindi sila dapat maging kagamitan ng kompetisyon ng malalaking bansa.

 

Ang pagpapalalim ng kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang isla ng Pasipiko ay nakakabuti sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Ipinakikita nitong maaaring magkaroon ng pantay na pakikitungo sa isa’t-isa ang mga malaki at maliit na bansa tungo sa win-win result.


Salin: Lito

Pulido: Rhio