Double standard sa pagpigil sa paglaganap ng malawakang pamuksang sandata, tinututulan ng Tsina

2022-06-01 14:44:45  CMG
Share with:


 

Ipinahayag nitong Martes, Mayo 31, 2022 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na hindi dapat magkaroon ang double standard sa usapin ng pagpigil sa paglaganap ng mga malawakang pamuksang sandata.

 

Nang araw ring iyon, isang pulong ang idinaos ng UN Security Council (UNSC) para komprehensibong suriin ang resolusyon nito bilang 1540.

 

Sinabi ni Zhang na ang nasabing resolusyon ay espesyal na resolusyon ng UNSC para pigilan ang paglaganap ng mga malawakang pamuksang sandata, at mahalagang pundasyon sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig para mapigilan ang paglaganap ng malawakang pamuksang sandata.

 

Iniharap ni Zhang ang 4 na paninindigang Tsino na kinabibilangan ng paggigiit ng tunay na multilateralismo, pagpapatatag ng sistemang pandaigdig sa pagpigil sa paglaganap ng mga malawakang pamuksang sandata, paggarantiya ng karapatan ng ibaundefinedt ibang bansa sa mapayapang paggamit at pagpapasulong ng proseso sa pagsusuri sa resolusyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio