Mga Pangulo ng Tsina at UAE, nag-usap

2022-06-01 14:53:13  CMG
Share with:


 

Sa pag-uusap sa telepono, Martes, Mayo 31, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Mohammed bin Zayed al-Nahyan ng United Arab Emirates (UAE), sinabi ni Xi na matatag ang pagkatig ng Tsina sa pangangalaga ng UAE sa sariling katatagan, katiwasayan at soberanya.

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino na katigan ang UAE sa mga usaping gaya ng nukleong kapakanan, at magkasamang pangangalaga sa komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.

 

Ipinahayag naman ni Mohammed bin Zayed al-Nahyan na buong sikap niyang pasususlungin ang pag-unlad ng relasyon ng UAE at Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio