Ang Mangzhong ay ika-9 sa 24 na solar term ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, at ikatlong solar term sa panahon ng tag-init.
Tuwing Mangzhong, mainit ang panahon, at may mga naka-nakang pag-ulan sa dakong timog ng Tsina.
Kaya sa panahong ito, popular sa mga Tsino ang mga prutas na gaya ng berdeng plum, saging, chinese yam at buto ng lotus.
Naniniwala ang mga Tsino na ang naturang mga pagkain ay nakakabuti sa tiyan at nagpapababa ng presyon ng dugo.
Ang berdeng plum ay isang prutas na malawakang ginagamit sa Tsina, hindi lamang bilang pagkain, kundi maging rekado sa paggawa ng alak.