Mula 2021 hanggang 2022, tumaas sa 19 mula sa 10 ang naturang mga kasunduan.
Samantala, ang bolyum ng kalakalan ng Tsina at mga free trade partner ay katumbas ng 35% ng kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas ng bansa noong 2021.
Ang proporsyong ito ay 17% lamang noong 2012.
Kasunod ng pormal na paglulunsad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) noong Enero 1, 2022, bumuti ang relasyong pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Noong unang kuwarter ng 2022, umabot sa 1.35 trilyong yuan RMB ang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, na lumaki ng 8.4% kumpara sa gayong ding panahon ng taong 2021.
Ang ASEAN ang kasalukuyang pinakamalaking trade partner ng Tsina.