Ang suman at Zong Zi

2022-06-03 10:23:34  CMG
Share with:


Ang suman at Zong Zi


Kapuwa mahilig ang mga Pilipino at Tsino sa mga pagkaing gawa sa malagkit tulad ng suman at (zònɡ)(zi) .

 

Sa taong 2022, ang Dragon Boat Festival o Duan Wu Jie sa wikang Tsino ay natatapat sa Hunyo 3.

 

Tuwing kapistahang Duan Wu, isa sa mga kagawian ng mga mamamayang Tsino ay pagkain ng Zong Zi.


Mga suman

 

Tulad ng suman, may ibat ibang lasa ang Zong Zi.  


Ang tradisyonal na Zong Zi ay kadalasang pinalalamnan ng dates, dinurog na pulang munggo, pula ng itlog na maalat, karne ng baboy at iba pa.  



Samut sari rin ang palaman at lasa ng mga makabagong Zong Zi.


 

 Ang makabagong Zong Zi na may palamang gata at latte


Ang makabagong Zong Zi na may lasang Coke


Ice cream na Zong Zi na pinalalamnan ng pulang tsaa at pulang munggo  


Ang makabagong Zong Zi na naglalaman ng karne ng baboy at keso


Ang makabagong Zong Zi na naglalaman ng pinaghalong ube, maglagkit at kastanyas


Ang makabagong Zong Zi na may mala-kristal na pabalat


Bukod sa pagkain ng Zong Zi, kabilang sa iba pang mga kaugalian tuwing Dragon Boat Festival sa Tsina, ang karera ng bangkang dragon, pagsasabit ng dahon ng calamus at mugwort, pagsusuot ng mga mabangong pakete, at iba pa.


Ang Pilipinas ang naging kampeon sa 2019 Beijing International Dragon Boat Invitational Tournament


Ang mga mabangong pakete


Ang dahon ng mugwort

 


Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Rhio

Mga larawan:IC/CFP