Vlog ni Sissi: Paggawa ng mahalimuyak na pakete

2022-06-03 15:35:47  CRI
Share with:

Ayon sa Traditional Chinese Medicine, ang Dragon Boat Festival ay pinakamainit na panahon sa buong taon. At ito ang panahon na pinakamasigla ang mga insekto at peste at madami ang nagkakasakit. Kaya, nagsusuot ang mga mamamayang Tsino ng mga mahalimuyak na pakete, para kumalat ang elemento ng mga herbal medicine sa ere, at unti-unting manuot sa katawan, nang sa gayo’y mabugaw palayo ang anumang insektong may dalang sakit.

 

Iba't iba ang hitsura at laman ng mga mahalimuyak na pakete, puwedeng iayon batay sa tao na bibigyan ninyo. Ngayong araw, pinili ko ang hugis zongzi o 7rice cake at inihanda ko ang tatlong uri ng laman: jasmine flower na mabuting pantunaw para sa anak, lavender na mabuting pampakalma naman para sa mga magulang, at Chinese mugwort(mag wot) na puwedeng protektahan ang aking asawa mula sa mga insekto.

Sa mga Chinese period dramas, madalas na nakikitang ibinibigay ng bidang babae ang mahalimuyak na pakete sa bidang lalaki. Ang maliit na pakete ay nagpapakita ng masidhing damdamin.

 

Ikakabit ko na ang tassels, at heto tapos na ang aking mahalimuyak na pakete para sa aking pamilya. Nasundan ba ninyo kung paano gumawa?


Nawa manatiling malusog at masaya kayong lahat mga kaibigan. Happy Dragon Boat Festival at huwag kalimutang kumain ng zongzi o suman.


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac