3 patay sa pamamaril sa Chattanooga ng Amerika

2022-06-06 15:03:11  CMG
Share with:


 

Tatlo katao ang nai-ulat na nasawi at 14 na iba pa ang nasugatan sa insidente ng pamamaril na naganap kahapon ng madaling araw, Hunyo 5, 2022 sa labas ng isang night club sa lunsod ng Chattanooga, Estado ng Tennessee, Amerika.

 

Nauna rito, naganap noong gabi ng Hunyo 4 sa lunsod ng Philadelphia, Pennsylvania ang isa pang insidente ng pamamaril na nagresulta sa pagkakasawi ng 3 katao at pagkakasugat ng 11 iba pa.

 

Ayon sa datos ng Gun Violence Archive, isang non-profit organization ng Amerika, sapul pumasok ang 2022, mahigit 240 marahas na insidente na may-kaugnayan sa baril ang naganap sa bansa.

 

Anito pa, 4 ang pangkalahatang bilang ng patay kada insidente.

 

Mahigit 18 libo katao ang napatay dahil sa pamamaril, dagdag pa ng organisasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio