CMG Komentaryo: “Monroe Doctrine,” walang kuwenta

2022-06-07 16:08:53  CMG
Share with:

“Ang ika-9 na Summit of the Americas ay posibleng maging signal ng paghina ng pamumuno ng Amerika sa rehiyong Latino-Amerikano.” Ito ang pagtasang inihayag ng isang media ng Mexico.

 

Idinaos nitong Lunes, Hunyo 6, 2022 sa Los Angeles ang nasabing summit. Ngunit, dahil sa pagbatikos o pag-boycott ng mga lider ng mga bansang Latino-Amerikano, at di pag-imbita ng panig Amerikano sa Cuba, Venezuela, at Nicaragua, tinatayang hindi matatamo ang anumang bungang substansiyal ng naturang summit na pinamumunuan ng Estados Unidos.

 

Noong nagdaang Abril, sa katuwirang “problema ng demokrasya,” ipinatalastas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na hindi nito aanyayahang dumalo ang naturang tatlong bansa sa summit, bagay na nagdulot ng matinding pagtutol ng mga bansang Latino-Amerikano.

 

Naunang ipinahayag ng mga lider ng Mexico, Bolivia at iba pang mga bansa na kung hindi aanyayahan ng Estados Unidos ang mga lider ng lahat ng bansang Latino-Amerikano, hindi sila dadalo sa summit.

 

Sapul nang iharap ng Estados Unidos ang “Monroe Doctrine” noong taong 1823, lubos na nagdusa ang mga bansang Latino-Amerikano sa panghihimasok na militar, panlilinlang na pulitikal, mapang-abusong sangsyon, at iniluluwas na implasyon mula sa Estados Unidos.

 

Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ika-9 na Summit of the Americas, nagtatangka ang Estados Unidos na atakehin ang mga bansang Latino-Amerikano na di gusto ang Estados Unidos.

 

Ito ang isa pang pinakahuling batayang taglay pa ang “Monroe Doctrine” sa isip ng panig Amerikano.

 

Pinuna ni Javier Reyes, eksperto ng Mexico sa mga isyung pandaigdig, ang Amerika sa paggamit ng Summit of the Americas para mapalakas ang hegemonya nito. Ang kagawiang ito aniya ay salungat sa mithiin ng mga bansang Latino-Amerikano sa paghahanap ng integrasyon.

 

Bukod pa riyan, tinukoy ng ilang tagapag-analisa na hindi makukuha ang bentahe ng tangka ng Estados Unidos na gamitin ang naturang summit para ipataw ang presyur sa mga bansang Latino-Amerikano sa isyung may kaugnayan sa Tsina.

 

Para sa rehiyong Latin-Amerikano, ang kasalukuyang pinakamahalagang tungkulin ay mga isyung gaya ng pag-ahon ng kabuhayan, sa halip ng Geopolitics confrontation.

 

Malinaw na ipinahayag kamakailan ni Pangulong Ivan Duque Marquez ng Colombia na hindi niya ipinalalagay na nagiging “banta“ ang pamumuhunan ng Tsina sa Latin-Amerika.


Salin: Lito

Pulido: Mac