MFA ng Tsina: Nababahala sa bilang ng mga insidente ng pamamaril sa Amerika

2022-06-08 13:45:29  CMG
Share with:

 

Sinabi nitong Martes, Hunyo 7, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ayon sa datos ng Gun Violence Archive, sa loob ng kasalukuyang taon, naganap na ang 246 na insidente ng pamamaril sa Amerika na ikinamatay ng mahigit 4 na tao kada insidente.

 

Ipinahayag ni Zhao na naalarma ang panig Tsino sa bilang na ito dahil itoundefinedy nangangahulugan ng napakaraming nawalan ng buhay at nagkawatak-watak na pamiliya.

 

Tinukoy ni Zhao na ayon sa mga public opinion polls, ipinalalagay ng karamihan ng mga Amerikano na ang marahas na insidente ng pamamaril ay isa sa mga malubhang isyung panlipunan.

 

Sinabi ni Zhao na dapat tumpak na harapin ng pamahalaang Amerikano ang sariling masamang kalagayan ng karapatang pantao at gamitin ang aktuwal na hakbangin para kontrolin ang marahas na insidente ng pamamaril at pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan nito.


Salin: Ernest

Pulido: Mac