CMG Komentaryo: Amerika, nagsinungaling sa isyu ng Xinjiang

2022-06-08 13:41:26  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kamakailan, noong 2021 sa isang internal cocktail reception, sinabi nina Sheila Carey, Consul at Puno ng Economic / Political Section ng Konsulado Heneral ng Amerika sa Guangzhou, at Andrew Chira na ang pagpapalaki ng pamahalaang Amerikano ng mga isyung may kinalaman sa Xinjiang ng Tsina na gaya ng sapilitang pagtatrabaho, genocide at kapinsalaan sa karapatang pantao ay isang "mabisang paraan," at ang pinal na layon nito ay mabalaho ang Tsina sa putik.

 

Hindi ito ang unang beses na nagsinungaling ang Amerika sa isyu ng Xinjiang ng Tsina. Halimbawa, noong katapusan ng Mayo, 2022, dumalaw si Michelle Bachelet, High Commissioner for Human Rights ng United Nations (UNHRC), sa Xinjiang para alamin ang kalagayan ng karapatang pantao sa lokalidad. Malinaw na ipinahayag ni Bachelet na malawak siyang nakipag-ugnayan sa mga kinatawan ng ibaundefinedt ibang sektor ng Xinjiang at walang anumang limitasyon at pagmomonitor sa kanyang naging biyahe sa lokalidad. Pero iginigiit ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na ang pagdalaw ni Bachelet ay kontrolado at nilimitahan.

 

Sa katotohanan, ang anumang kasinungalingan ng Amerika ay hindi kayang takpan ang tunay na kalagayan sa Xinjiang.

 

Ayon sa datos na inilabas ng pamahalaang lokal ng Xinjiang, mula noong Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon, ang bilang ng karagdagang trabahador sa mga lunsod at bayan ng Xinjiang ay umabot sa 263,000 na katumbas ng 57.17% ng inaasahang target ng buong taon.

 

Sa harap ng mga hamon ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at presur mula sa ekonomiya, kapansin-pansin ang nasabing bunga sa hanap-buhay sa Xinjiang.

 

Ang katotohanang ito ay nagpapakitang ang mga sangsyon ng Amerika ay naglalayong putulin ang industry chain at supply chain ng Xinjiang at hadlangan ang proseso ng pagmomodernisa ng kabuhayan at lipunan ng Xinjiang.


Salin: Ernest

Pulido: Mac