Nagsimula kahapon, Hunyo 7, 2022, ang 2022 National College Entrance Examination ng Tsina, o Gao Kao ng Tsina.
Umabot sa 11.93 milyon ang bilang ng mga kukuha ng eksamen sa taong ito. Sa panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), isinagawa ng iba’t ibang lugar ng Tsina ang mga hakbangin para igarantiya ang kaayusan at kaligtasan ng Gao Kao.
Mga mag-aaral na magsusulit sa distritong Mentougou ng Beijing
Mga kukuha ng eksamen sa distritong Fengtai ng Beijing
Mga estudyanteng magsusulit sa lunsod Erenhot ng Inner Mongolia
Mga mag-aaral na kukuha ng eksamen sa lalawigang He Nan
Mga magulang ng examinees sa lalawigang He Nan
Salin:Sarah
Pulido:Mac