Vlog ni Sissi: Adobo Challenge

2022-06-09 19:49:24  CRI
Share with:

Barbecue sa huling gabi, ice cream sa madaling araw, o isang bulalo kapag maulan. may mga pagkakataon ba na natatakam kayo at hinahanap-hanap ang isang pagkain?

 

Ngayong araw, alas-7 na ng gabi, biglang nag-crave ako ng lasa ng adobo, pork adobo. At bilang isang foodie, nagdesisyon ako na gumawa ng isang adobo challenge. Ako mismo ang magluluto ng adobo.  

  

Heto ang lahat ng sangkap na kailangan ko. Toyo, sukang puti, paminta, dahon ng laurel, brown sugar at pinaka-importante ang liyempo o pork belly, hihiwain ko muna ang liempo tapos, start na tayong magluto ng Adobo.

 

Idagdag ang toyo, suka, paminta, bawang, dahon ng laurel[ˈlɔːrəl] at brown sugar, sa hiniwang liempo. Ibabad muna ng 15-30 mins.

  

Naaalala ko pa ang unang tikim ko ng adobo, dahil na-delay ang eroplano, nag-stay ako sa Cebu Mactan Airport nang halos limang oras at habang naghihintay sa isang coffee shop, nagutom ako at nag-order ako ng pork adobo kasama ng kanin. Sa panahong iyon, ito ang pinakamasarap na bagay at naging lasa na nananatili sa puso ko.

 

um, sarap ang amoy ng mixture ng fat, garlic at black pepper, naglalaway na ako.

 

Actually, sa Tsina, may parehong ulam na tinawag na Hong Shao Rou o  braised pork, pero, madalals na hindi ginagamit ang vinegar at black pepper sa pagluluto. Sa halip aniseed at cinnamon.

 

Tada! Tapos na, kung matagumpay o hindi ang aking adobo challenge, agad nating malalaman …

 

Um…kahit hindi tulad ng lasa na nasa isip ko, ok naman. Mainam na nagbalanse ang vinegar sa taba ng liempo, hindi masyadong oily, malinamnam.

 

Adobo Challenge, matagumpay!


Video Editor: Sissi


Pulido: Mac