Lunsod Meishan sa timog kanlurang Tsina, binisita ni Xi Jinping

2022-06-09 11:21:49  CMG
Share with:

 

Naglakbay-suri kahapon, Hunyo 8, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lunsod Meishan, lalawigang Sichuan sa timog kanlurang bahagi ng bansa.


 

Pumunta siya sa Yongfeng, isang nayon ng Meishan, upang suriin ang lokal na pagsisikap para mapataas ang pamantayan ng mga bukirin, pagdaragdag ng produksyon ng mga butil, pagpapasulong ng pagyabong ng kanayunan, at pagpigil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 


Pagkatapos, bumisita rin siya sa San Su Ci, templong memoryal at dating tahanan ni Su Xun at kanyang dalawang anak na sina Su Shi at Su Zhe, tatlong maestro ng panitikan na nabuhay mga isang libong taon ang nakararaan.

 

Doon ay inalam ni Xi ang tungkol sa pangangalaga sa mga pamanang pangkasaysayan at pangkultura.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan